Ginger Bread House
"Every day is a happily
ever after with The Ginger Bread House! Have a special sweet day as you make
your own gingerbread house, feast on your favorite dessert, and allow the kid
in you to burst with fun!"
Saan aabot ang 500 php mo?
Where? Purok 157 Calamba
Road, Tagaytay, 4120 Cavite
Estimated time travel:
almost 45 minutes
How to get there?
Ride on a bus from
Waltermart Dasmarinas going to Olivarez terminal
Ride on a tricycle and ask
manong tricycle driver to drop off at Ginger Bread House
Story time!
Maaga kami umalis sa Dasmariñas kasi
akala namin matagal yung biyahe pero sobrang bilis lang din pala kasi in 45
minutes andun na kami. Medyo hassle lang kapag nagtricyle ka na papuntang
Ginger Bread House kasi medyo hindi pa maayos yung daan. Nung pumunta kami don
walang tao, as in kami lang talaga tapos may “ate” don na maga-guide sa inyo
papasok at pipicture.an kayo. May bayad yung picture kapag kukunin nyo yung
copy medyo pricey sya pero okay lang din naman kung gusto mo talaga ng
remembrance.
Umuwi na din kami ng hapon
para hindi masyadong delikado sa daan (lalo na kung commuter ka lang din
katulad ko.) Sulit yung experience ko dito kasi ang ganda talaga nung place
“Instagram worthy” ba. Mas maganda sya
kapag sa gabi kasi may pa-lights sila and perfect sya for Christmas lalo na
yung ambiance sa loob.
TIPS WHEN YOU GO TO GBH
1. Bring money – may
entrance fee kasi na 50 php
2. Bring umbrella - in case
lang na maulan o maaraw at least may proteksyon ka, medyo maiinit din kasi yung
ambiance kasi wala masyadong puno sa pinaka loob
(Take note! Mainit din sa
loob mismo ng house hindi kasi sya air-conditioned)
3. Wear comfortable clothes
- syempre ayaw mo naman na ma-hassle ka kapag andon kana pero may comfort room
naman don na malinis pwede ka magpalit ng damit doon ng pang-OOTD mo
4. Bring your camera (lalo
na sa mga mahilig mag instagram jan) syempre ayaw nyo naman magpahuli at makapagpapicture
sa magagandang view sa loob ng GBH :)
5. Ask manong tricyle driver
his number- (pinaka importanteng tip lalo na sa mga commuters) wala kasi nadaan
don na mga jeep kasi looban sya so need mo talagang kunin number ni manong
driver para masundo nya kayo pabalik sa sakayan ng bus.
Disclaimer!
When we went there, this
place is under renovation
So ayon, 24 hrs naman syang open kaya pwedeng pwede tumambay
kahit anong oras ka pa umalis, no internet wifi pero masaya naman kasi talagang
makakapag bonding kayo ng love ones nyo, or friends nyo :) meron silang board
games na pwede hiramin (chess, snake and ladder etc.) pwede din magplay ng
instrument kasi available naman yung ukulele nila basta kung manghihiram ka kailangan
mong mag-iwan ng I.D, may books din sila na pwede mong basahin pero hindi mo na
kailangan iwan I.D mo, pwede ka din bumili ng clothes and accessories :)
Sa pagkain naman, masarap yung foods nila don, meron don yung
“sharing” na pwede kayo ng magkatropa nyo mag-ambagan :)
Wooow! this place perfect for this coming Christmas Vacation, I wanna go here with my fammm <33
ReplyDeleteThank you for your feedback! Enjoy your vacation! :)
DeleteI'm amazed to that place. Pasama kung sakali. Joke :) Anyways, I will visit this place soon. Nice!
ReplyDeleteSure po :) Hahahaha thank you sa review kuya!
Delete