The Hidden Beauty of Tingloy Batangas



How to get there?
Sakay ka van papuntang Batangas Grand Terminal, kapag nasa Grand Terminal ka na, kailagan mong sumakay ng jeep papuntang Mabini Port para makapunta ka sa Tingloy. Kapag nasa Tingloy ka na kailangan mong sumakay ng tricyle papuntang Masasa Beach.

Total expenses: 330 php
Estimated Time: 1 hour and 45 mins



Story Time!
Nagsimula ako bumiyahe ng 5am papuntang sakayan ng van papuntang Batangas, umalis kami ng Dasmariñas ng 8am at nakarating kami sa Batangas Terminal ng 9am sa Batangas Terminal at nakapunta sa mabini port, halos dalawang oras kami naghintay sa bangka (capacity 80 person) na umalis, 80 pesos yung babayaran mo sa bangka papuntang Tingloy. Halos 45 minutes yung biyahe naming sa dagat from Mabini port to Tingloy Batangas. Sumakay kami ng tricycle papuntang Masasa beach, medyo hassle yung pagsakay sa tricycle kasi hindi masyadong gawa yung daanan. Pagatapos naming magtricyle naglakad kami pababa sa beach ng mga ilang minutes, medyo nakakapagod sya kasi medyo malayo yung binabaan mo sa tricyle papunta sa mismong beach. Pagkadating naming don, nagbayad kami ng 30 pesos para sa environmental fee tapos may nag-alok samin na kung gusto ba nama magrenta ng bahay na pwedeng matulugan, pero hindi na kami nagrenta kasi may tent naman kami, pwede naman matulog sa mismong beach lalo na kung meron kang tent pero mas safe if magre-rent nalang kayo ng matutulugan.



One of the most memorable beach experience this 2017. Super sulit kapag nakapunta ka na sa gusto mong puntahan, dahil dito sa beach na to kaya gusto ko pang magtravel sa buong Batangas. Yung white sand purong puro and sobrang linis ng tubig. Perfect place to bond with, friends and someone you love. Perfect time din sya para makapag relax, yung feeling na kapag nasa mismong beach ka na mawawala lahat ng iniisip mo.


Kung gusto nyo mag overnight meron mga bahay na matutulugan malapit doon 200 to 300 php per night. May bayad din ang entrance sa Masasa 30 pesos lang murang mura, hindi ka lang nag enjoy makatulong ka pa sa environment.

Pwede ka na din magdala ng foods, para hindi ka na bumili doon pero siguraduhin mo na kasya sya sa buong araw at kung mago-overnight ka siguraduhin mo na may pang kinabukasang budget ka. Meron din silang ino-offer na pwede kang mag-snorkeling, worth 100 pesos lang naman, afford na afford.
Sana mag-enjoy din kayo kapag pupunta kayo.

Note: kung susundin nyo yung ginawa namin, sakto lang po yung 660, pero magdala na din ng extra money just in case.



THINGS YOU SHOULD BRING

1. Bring tent - mas maigi at makakatipid kayo kung magbabaon nalang kayo ng tent, pero mas safe if magre -rent kayo ng kubo kung gusto nyo mag overnight sa tingloy.

2. Bring Umbrella, Sunblock or anything that ill protect you from sunlight - mainis kai sa mismong place

3. Bring your own food and drink - para mas makatipid, wala naman silang corkage fee unlike sa ibang beaches and resorts. 

4. Bring you own trash bag- be responsible naman kahit may environmental fee na binayabayaran

5. Bring your extra money

Activities
SNOKELING- WORTH 200php

Comments

  1. Maganda yung bahay na pwedeng tulugan?

    ReplyDelete
  2. Ate yung estimated time? sakto lang yan? if galing ako sa Indang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. maybe 2 hours, depende kung anong oras ka aalis sa inyo :)

      Delete

Post a Comment

Popular Posts