The Hidden Beauty of Tingloy Batangas
How
to get there?
Sakay
ka van papuntang Batangas Grand Terminal, kapag nasa Grand Terminal ka na,
kailagan mong sumakay ng jeep papuntang Mabini Port para makapunta ka sa
Tingloy. Kapag nasa Tingloy ka na kailangan mong sumakay ng tricyle papuntang
Masasa Beach.
Total
expenses: 330 php
Estimated
Time: 1 hour and 45 mins
Story
Time!
Nagsimula ako bumiyahe ng 5am
papuntang sakayan ng van papuntang Batangas, umalis kami ng Dasmariñas ng 8am
at nakarating kami sa Batangas Terminal ng 9am sa Batangas Terminal at
nakapunta sa mabini port, halos dalawang oras kami naghintay sa bangka
(capacity 80 person) na umalis, 80 pesos yung babayaran mo sa bangka papuntang
Tingloy. Halos 45 minutes yung biyahe naming sa dagat from Mabini port to
Tingloy Batangas. Sumakay kami ng tricycle papuntang Masasa beach, medyo hassle
yung pagsakay sa tricycle kasi hindi masyadong gawa yung daanan. Pagatapos
naming magtricyle naglakad kami pababa sa beach ng mga ilang minutes, medyo
nakakapagod sya kasi medyo malayo yung binabaan mo sa tricyle papunta sa
mismong beach. Pagkadating naming don, nagbayad kami ng 30 pesos para sa
environmental fee tapos may nag-alok samin na kung gusto ba nama magrenta ng
bahay na pwedeng matulugan, pero hindi na kami nagrenta kasi may tent naman
kami, pwede naman matulog sa mismong beach lalo na kung meron kang tent pero
mas safe if magre-rent nalang kayo ng matutulugan.
One
of the most memorable beach experience this 2017. Super sulit kapag nakapunta
ka na sa gusto mong puntahan, dahil dito sa beach na to kaya gusto ko pang
magtravel sa buong Batangas. Yung white sand purong puro and sobrang linis ng
tubig. Perfect place to bond with, friends and someone you love. Perfect time
din sya para makapag relax, yung feeling na kapag nasa mismong beach ka na
mawawala lahat ng iniisip mo.
Kung
gusto nyo mag overnight meron mga bahay na matutulugan malapit doon 200 to 300
php per night. May bayad din ang entrance sa Masasa 30 pesos lang murang mura,
hindi ka lang nag enjoy makatulong ka pa sa environment.
Pwede
ka na din magdala ng foods, para hindi ka na bumili doon pero siguraduhin mo na
kasya sya sa buong araw at kung mago-overnight ka siguraduhin mo na may pang
kinabukasang budget ka. Meron din silang ino-offer na pwede kang
mag-snorkeling, worth 100 pesos lang naman, afford na afford.
Sana
mag-enjoy din kayo kapag pupunta kayo.
Note:
kung susundin nyo yung ginawa namin, sakto lang po yung 660, pero magdala na
din ng extra money just in case.
THINGS YOU SHOULD BRING
1. Bring tent - mas maigi at makakatipid kayo kung magbabaon nalang kayo ng tent, pero mas safe if magre -rent kayo ng kubo kung gusto nyo mag overnight sa tingloy.
2. Bring Umbrella, Sunblock or anything that ill protect you from sunlight - mainis kai sa mismong place
3. Bring your own food and drink - para mas makatipid, wala naman silang corkage fee unlike sa ibang beaches and resorts.
4. Bring you own trash bag- be responsible naman kahit may environmental fee na binayabayaran
5. Bring your extra money
Activities
SNOKELING- WORTH 200php
1. Bring tent - mas maigi at makakatipid kayo kung magbabaon nalang kayo ng tent, pero mas safe if magre -rent kayo ng kubo kung gusto nyo mag overnight sa tingloy.
2. Bring Umbrella, Sunblock or anything that ill protect you from sunlight - mainis kai sa mismong place
3. Bring your own food and drink - para mas makatipid, wala naman silang corkage fee unlike sa ibang beaches and resorts.
4. Bring you own trash bag- be responsible naman kahit may environmental fee na binayabayaran
5. Bring your extra money
Activities
SNOKELING- WORTH 200php





Maganda yung bahay na pwedeng tulugan?
ReplyDeleteKubo type sya yung tig 200 to 300 pesos :)
DeleteAte yung estimated time? sakto lang yan? if galing ako sa Indang?
ReplyDeletemaybe 2 hours, depende kung anong oras ka aalis sa inyo :)
Delete